Inaasahang Katangian ng Pangulo ng Pilipinas
INAASAHANG KATANGIAN NG PANGULO NG PILIPINAS
Sa napakahabang panahong lumipas mula ng naging ganap na malaya na ang Pilipinas sa kamay ng mga mananakop, maging isang ganap na bansa, at malulok ang kauna-unahang naging pangulo ng bansa. Masasabi natin na malaki na nga ang pagbabago ng bansa.Gamit ang natatanging kakayahan at talino ng mga lumipas na pangulo, nagkaroon ng pagbabago sa ating bansa. Hanggang ngayon, sa kaslkuyang panahon, masasabi ba natin na maaari pa bang mabago ang mga naiwang gusot sa Pilipinas gamit ang talino at katangian ng asalukuyang pangulo.
Si Pangulong Rodrigo "Digong" Roa Duterte ang kasulukuyang pangulo ng bansang Plipinas. Naging Mayor sa kanyang bayang sinilangan ang Davao. Kilala siya sa pagiging mahigpit ngunit matalinong Mayor. Buhat ng naging isang ganap na Mayor si Pangulong Duterte, ay nakakasama na ang Davao City sa pinaka ligtas na lugar, hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Dahil dito nakuha niya ang tiwala ng mga tao, kaya naman madali niyang nakuha ang pwesto na pagiging Pangulo, kahit hindi niya ito lubos na ninanais. Lubos na natuwa ang mga taong sumusuporta sa kanya, lalo na ngayong isa na siyang ganap na Pangulo. Maraming pagbabago ang inaasahan ng mga tao sa kanya.
Alam na natin na si Pangulong Duterte ay magiging mahigpit na pangulo, ngunit sa natatangi niyang katangian na ito ay mas naging panatag ang loob ng mga tao na sumusuporta sa kanya, na nasa mabuting kamay sila at ang bansang Pilipinas. Marami ang nagsasabing na naungkat si Pangulong Duterte sa mga patayan sa Davao noong siya ay isa pa lamang Mayor, at siya naman niyang inamin at ipinaliwanag sa mga tao. Dahil nga sa napakalaking gulo ang meron sa Pilipinas na sanhi ng Illigal na Droga ay mas naging mahigpit ang kanyang pagiging pangulo. Sinimulan na niya ang kanyang batas, na kung saan marami na ang mga namatay. Marami na rin ngayong ang natatakot na baka madamay sila sa mga sunod-sunod na patayan. Ngayon ay nabuo sa isipan ng mga tao na nahahalintulad ito sa serbisyong binigay ng nakaraang Pangulong Marcos. Madami na ang natakot at madami na rin ang naging panatag ang loob. Naging laman ito ng mga balita na halos araw-araw ito nalang ang naririnig natin sa telebisyon. Marami ang nagsasabi na hindi siya karapat dapat na maging isang pangulo ng bansa. Inaasahan ng mga tao na madami pa ang mamamatay sa kanyang pagiging diktador.
Ngayon ay nadagdagan na naman ang balakid sa bansa, nang maghasik ng kaguluhan ang Mauti Group sa Marawi. Hindi inaasahan ng mga tao na ipapatupad ni Pangulong Duterte ang Batas Militar sa nasasakupan ng Mindanao. Negatibo halos lahat ang naging impresyong ng mga tao dahil dito. Sinasabi na hindi magiging malayo ang batas militar sa panahon ni Pangulong Marcos sa panahon ngayon. Pero hindi naman ito naging dahilan na magalit ang mga tao na nasasakupan ng Mindanao, mas inaasahan pa nila na mas magiging ligtas sila sa ilalim ng batas na ito.
Hindi natin mapipigilan ang lahat ng sasabihin at iisipin ng mga tao para sa pangulo. Alam naman natin na isa sa kanyang katangian ay ang pagsasabi ng mga masasamang salita, ngunit hindi natin masasabi na ang kanyang katangian ay magdudulot ba ng mabuti o masamang pagbabago para sa ating bansa. Hindi natin alam, baka sa likod ng mga nangyayaring kaguluhan ay ang pagunlad ng ating ekonomiya. Marami tayong inaasahan sa kanya, pero hindi natin mababago ang mga posibilidad na mangyari, ang maaari lang nating gawin ay ang sumunod sa lahat ng agos ng pangyayari sa kanyang taon ng pagiging pangulo. Iba't-iba ang paniniwala ng mga tao, ay iba't-iba rin ang ating inaasahang katangian ng Pangulo ng Pilipinas.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento